Hambog Ng Sagpro Krew – Philophobia ft. Ynnah lyrics

Album: Hambog ng Sagpro

Intro:
"Sa pagmamahal, takot ang nararamdaman dahil ilang beses ka na din naman nasaktan"
1st Verse:
Ang masaktan sa relasyon lagi nalang nararanasan Kaya ang ganahan sa pagmamahal nababawasan Sino bang naligayahn nung ang puso'y nahawakan Kala mo ay iingatan yun pala ay tatapakan Kung ang gusto lang pala ay saktan mo ko ng lubusan Eh di sana ay hinamon mo na lamang ng suntukan Pwede mo kong sikmurahan, dibdiban o sa muka Sa dami ng pwedeng tamaan bakit ang puso ko pa Saktan mo na ng pisikal wag lang sana ang emosyon Pinamuka ang magmahal ng tunay sakin illusyon Na lamang at wala nang pagasang makayang makalayang Mapayapang mamalayang di nasayang at wala lang Ang nasalang at inalang alang na pagmamahalang Paglalabang buong tapang at handang handang igapang Nang wala na ngang haharang harang at matanggal ang Mga hadlang ngunit parang sayo walang walang walang wala lang
Chorus:
Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat Di rin naman magtatagal
2nd Verse:
Sa tuwing nasasawi dinadaan ko sa kanta Nakanino ang mali nasakin ba o sa kanya Ginagawa ko ang lahat ganun din daw ginagawa nya Tanging nagawa nya lang sa mga ex ko makigaya Nanloloko at nananaket oo ganun sila Mapagmahal pero hanggang dun lang sa umpisa Sila'y mahusay pagnakuha'y merong sungay yan ang tunay Nilang kulay sa pagluha'y nauumay nang mabuhay Kala ko makakatulong makalimot ang pagtagay Di pala kaya wala nang gana sa lahat ng bagay "Maghanap ka nalang ng iba" ang sabe ng mga tropa Ang sagot ko sa kanila "Ayoko na tol nakaka- phobia" Sino ba naman kase ang may gusto Ang masaktan nang masaktan nang masaktan ng husto Purkit di na ibibigay ang puso ay madamot na Baka masaktan lang kase ulet nakakatakot na Ang takot sa pagmamahal sa puso nakabalot na Nakakasawa nang lumuha at nakakapagod na Sa numero uno sa listahan ng bigo aabot na Pinilit kong gisingin puso ko pero naantok na Kaya naisip ko kapag umibig ay masasaktan Upang di masaktan wag kang umibig yan ang tandaan Saking pagiwas sa pagibig hindi to kaduwagan Pansin ko lang kase sa relasyon ang laban utakan
Chorus:
Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat Di rin naman magtatagal
3rd Verse:
Sa lupit ng kapalaran ako'y di nakaligtas Ito ang dahilan kung ba't lumalaki ng matigas Pero kapag nagiisa wala pa rin palang nagbago Nandoon pa rin yung taong malambot ang pagkatao Di maloko ang sarili buhay ko'y naloko na Ako'y hinang hina na, ayoko na Saking panlabas ako'y mukang buo at maligaya Pero saking kalooban ako'y sirang sira na Utak mo ay nasa ulo puso mo'y nasa dibdib Unahin mong gamitin yung nasa taas at makinig Ayoko nang umibig pang muli yan ang huling sagot Ako ay nagiingat lang sige takot na kung takot Sakit at galit sating puso di pala natatanggal Tayo'y nasasanay nalang dito habang nagtatagal Balang araw pag ang karma ay papunta na sayo Isa ka na rin sa iiyak dito sa kanta na to
Chorus:
Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat Di rin naman magtatagal
Asero Record© - Hambog Ng Sagpro Krew™

Submitted by Guest