Rachel Alejandro – Munting Pulo lyrics

(duet with "Rachel Alejandro as "Josephine Bracken" and Ogie Alcasid as "Jose Rizal" in the original Filipino musical " Sino Ka Ba, Jose Rizal?")
Music & Lyrics: Nonoy Gallardo

JOSEPHINE
Dito pala sa munting pulo na kay layu-layo
Dito pala naghihintay ang katambal na puso
Dito pala sa munting pulo, sa sulok ng daigdig
Dito pala nagtatago ang mailap na pag-ibig

Dito pala matatagpuan ang munting tahanan
Ng lagi nang bilog na buwan at araw na walang hanggan
Dito pala humahapon, dito pala naroroon
Paru-parong nagtitipon, naglalarong mga ibon

RIZAL
Tubig na tahimik ay iyong natinag
Puso kong tulog napukaw ng liwanag
Tabing na sagabal iyong hinawi
Lumang panaginip kinalag ang tali
May kung anong himig na naririnig
May timyas na huni buhat sa dibdib

JOSEPHINE
Dito pala humahapon, dito pala naroroon
Paru-parong nagtitipon, naglalarong mga ibon

RIZAL & JOSEPHINE
Dito pala sa munting pulo, sa silong ng ulap
Dito pala mayayakap ang mga pangarap
Dito pala sa munting pulo, dito sa dulo ng dagat
Dito pala makatatagpo ng pagsintang tapat

Submitted by Guest