Kaslamata – Letras de Paa

pinupulikat ang paa...namumungay ang mata
nalulungkot, nag-iisa, palaging iniisip ka
binabalot ng kulimlim ang tag-ulan sa aking damdamin
dahan dahang binubura ang alaala ng pag tila ng ulan sa umaga

hanapin sa ulan ang kaligayahang hindi mo masilayan
sa mundo ng nakakapagpabagabag na katotohanan

(chorus:)
kung saan pabalik-balik ang pag-patak at hindi na tumitila
kung saan humahalik sa pisngi ang pag tulo ng luha
kung saan humahalakhak habang sinasampal ng ambon
ang bubungan,dahil sa bawat pag-patak ng ulan,
ligaya ang nararamdaman.....

(refrain:)
huwag kang mangamba kung tinatakbuhan kana ng pag-asa
babalik ito sayo na tulad ng pag-sikat ng bagong umaga
pumanaw man ang tag-araw,hindi ito magugunaw
sumabay kana sa pagtatampisaw

umulan nanaman pighati ay muling malilimot
magpapaalam na ang simangot
sa iyong mundong inilayo ng iba sa paraisong hinahanap mo
muling balikan ang nakaraan

makikita sa ulan ang kaligayahang hindi inaasahan
dahandahan mong masdan ang magaganap na paglisan ng katotohanan

Añadido por Guest