Ahmet Kaya – Maalaala Mo Kaya lyrics

Huwag mong sabihing ika'y hamak
Kahit na isang mahirap
Pagka't ang tangi kong pag-ibig
Ganyan ang hinahanap

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan
Ang nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto, buksan ang aking puso
At tanging larawan mo ang doo'y nakatago

Di ka kaya magbago sa iyong pagmamahal
Tunay kaya irog ko hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay, lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko ay di na mapaparam

Tunay kaya irog ko hanggang libingan
oh,Kay sarap mabuhay,lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko ay di na mapaparam

Maalaala mo kaya.....(2x)

Submitted by Guest