Aizo – Bukambibig (Y Speak! Theme Song) lyrics

Suntok sa buwan nga bang
Tayo'y maasahan
Paano na daw ang susunod
Na henerasyon
Bukambibig ng masa
Sa atin ang pag-asa
Hahasain, hahasain
Ng panahon

Huwag kang makakalimot
At huwag mong makakalimutan
Na ikaw ay bata
At tayo ang kabataan

Chorus
(hoy!) magsalita, magsalita
(hoy!) meron tayong magagawa
(hoy!) makinig, makinig
(hoy!) sa aming bukambibig

Kasing talim man ng punyal
Ang dila kung magdasal
Gagamitin nang gagamitin
Sa tamang pagkakataon
Bakit hindi nyo kami subukan
Marunong din kaming lumaban
Gawa sa gawa, salita't salita
Mananaig ang bukambibig

Hindi kami makakalimot
Lalong hindi makakalimutang
Habambuhay kami ay bata
At para 'to sa kabataan

Repeat chorus 2x

Submitted by Guest