First Circle – Akoy Sayo lyrics

INTRO

Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba, oh
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang

INTERLUDE
Mmm

Kahit anong mangyari pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang

AD LIB
Ohh

Umasa ka, maghihintay ako kahit kailan, oh
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang

Submitted by Guest