Lilet – Pwede Ba Kaya lyrics

Album: Marielle

PWEDE BA KAYA TAYONG MULI
Lyrics: Arnel de Pano/Music: Soc Villanueva

Matagal-tagal din tayong nagmahalan
Sa huli’y kinailangang maghiwalay
Nagkanya-kanyang landas at kapalaran
Halos ay nalimot na kitang tunay.
Sa tagal-tagal ng pagdaan ng panahon
Nasubukan na ako’y umibig sa iba.
Nguni’t di ko nga maisip ba’t hanggang ngayon
Ay ikaw pa rin ang hanap ko tuwina.

Refrain:

Ang sabi ko’y pwede ba kaya tayong muli?
Pwede ba kahit man lamang sandali ay
Bigyan ng bukas ang ating naputol na kahapon,
Pwede ba kaya tayong dalawang muli?

'Di ko nga maunawaan ang pagibig
Kung kailan nangungulila ang puso
Alam ko sa iyo lamang iikot ang aking daigdig
Bakit ba nagdalawang-isip pa sa iyo?
Bakit ba nalalaman mo lang ang halaga
Ng pagibig pag ito ay wala na…

Repeat Refrain

Submitted by Guest