Pentacle – Regalo lyrics

Tumatakbo na naman ang buhay mo
Parang naghahanap ng maraming pasahero
Sumusunod sa lakad nang isipan
'Di makapili sa dalawang daan

Sumasabay sa sayaw ng hangin
'Di pinapansin kung saan man makarating
Bumibilis na uli ang ikot
H'wag mong hayaang humiyaw ang takot

Ref:
Ito ay atin,sumama ka sa'kin
ako ang magsasabing,kayang kaya mo...

Cho:
Ang buhay mo'y may buhay pa
Buhayin ang buhay bago pa mawala,
Hukayin mo muli ang pag-asa
Balutan nang luha ng ligaya ang...
Regalo Niya.

Lumilipad na naman ang damdamin
Lumalayo ka muli sa "Amen"
'Di mo na maabot ang ilalim
Mas maliit ka pa ngayon sa sarili mong lampin
(Ref. & Cho.)

Bridge:
Gawin mong masarap ang napanis
Gawin mong cool ang nakakainis
Gawin mong twi'd ang baluktot
Gawin mong mabango ang mabantot

Umawit sa tahimik
Gumuhit sa may langit(langit)
Punuin ang nagkulang
Lumaban sa may laban(Laban)....
(Cho.)

Submitted by Guest