Sugarfree – Kwentuhan lyrics

Album: Dramachine

Kanina pa tayo magkasama umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod buong mundo ay tulog
Ikaw at ako dere-deretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang wala namang masama
Puro usap lang ibaon mo na sa limot ang lungkot

Tatawa tayo sabay seryoso unti-unti kang nakikilala
Ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi tahimik ka lang palagi ngunit ngayong gabi
Parang kay rami-rami mo nang sinabi

Kwentuhan lang wala namang masama
Puro usap lang dahil gusto kitang makilala.,, makasama.,,makasama
,,makasama.,,makasama?,,,

Umaga na tulog ka na ang himbing mong
Managinip ang sarap-sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako o dito muna siguro
Samahan kita dahil parang ayaw mong mag-isa

Samahan ka, wala namang masama
Samahan ka hanggang lungkot ko'y makatulog din

Submitted by Guest