Verse One – Anya Ngay lyrics

Buhay sa isang pusong iniwan
Ay pagaantay na lamang
Sa panahong muling mapagbigyan
At masilayan ang mundo niyang
Dati'y tinirhan

(repeat)

Cho:
Anya ngay?
Maghihintay pa ba
Sa isandaang panaginip
At buong gabing dasal ng luha?
Anya ngay?
Kelan pa hihimlay
Sa unan ng katahimikan
Ang puso'y pakinggan
Oras di maghihintay
Patuloy parin ang daloy
Ng aking luha
Anya ngay?

Bridge:
Ang langit ay tumigil
Mga tala'y tumamlay
Bukas at makalawa
Sa iyo parin maghihintay
Imulat na'ng mga mata
Ika'y bumangon na
Sa pagkabulag mo
Ikaw ay lumaya

(repeat chorus)

Submitted by Guest