Gigi De Lana With GG Vibes Band – Bibitiwan lyrics

Album: unspecified

Verse 1
Kung naisin mo na ako ay iwan
Masasaktan man, ika'y bibitiwan
Di na kailangan na magpaliwanag
Sayo'ng daan hindi haharang
Kung patungo ka naman sa 'yong kaligayahan

Verse 2
Kung maramdamang may iba nang mahal
Mas nanaisin ko'ng ika'y lilisan
Huwag na sayangin ang 'yong oras sa'king pagdaramdam ngunit palalayain
Hangad ko lang naman ang 'yong kaligayahan

CHORUS:
Mangangarap, ngunit hindi aasang babalik
Gabi-gabi mananalangin
Pero ang 'yong gusto ang susundin
Maghihintay ngunit hindi na muling lalapit
Isa-santabi ang nararamdaman
Buong buo ika'y pakakawalan
Masakit man sa loob
Hangad ko lang ang kaligayahan mo

Verse 3
Kung natatakot na ako'y masaktan
H'wag ka'ng mag-alala sa 'yong paglisan
'Di 'papakita ang patak ng luha
Sa 'yong harapan ako'y ngingiti lang
'Wag ka lang makadama ng kalungkutan

Verse 4
Kung naisin na ako'y balikan
Kung nasaktan ka ika'y aking hahagkan
Pupunasan ko ang mga luha
Ang 'yong lungkot pipiliting mawala
Hanggang sa madama ang 'yong kaligayahan

CHORUS:
Mangangarap, ngunit hindi aasang babalik
Gabi-gabi mananalangin
Pero ang 'yong gusto ang susundin
Maghihintay ngunit hindi na muling lalapit
Isa-santabi ang nararamdaman
Buong buo ika'y pakakawalan
Masakit man sa loob
Hangad ko lang ang kaligayahan mo

BRIDGE:
Abot langit ang daing na 'wag mo'ng iwan
Ano'ng magagawa ku'ndi ang magparaya
Harapin ang bukas na wala ka
Maging masaya na ika'y maligaya

CHORUS:
Mangangarap, ngunit hindi aasang babalik
Gabi-gabi mananalangin
Pero ang 'yong gusto ang susundin
Maghihintay ngunit hindi na muling lalapit
Isa-santabi ang nararamdaman
Buong buo ika'y pakakawalan
Masakit man sa loob
Hangad ko lang ang kaligayahan..
Masasaktan ngunit ika'y bibitiwan
Hangad ko lang ang kaligayahan mo

Outro:
Hangad ko lang ang kaligayahan mo....

Composer: Justice
Interpreter: Gigi de Lana with GG Vibes Band

Submitted by Guest