Pure Instinct – Diskarte lyrics
I. O, kay tagal na kitang pinagmamasdan
Bawa't kilos mo'y akong pinag aaralan
Nag iisip ng kung anu-anong paraan
Upang mapalapit sa iyo at maging kaibigan
II. Lumipas ang isang buwan at tayo'y naging magkaibigan
Lahat ng sikreto mo'y iyong pinapaalam
O, kay lapit natin sa isa't isa.
Ngunit dinadaga na ako baka ito'y iyong ibale wala
Chorus:
Ako, ako'y naghihintay ng tamang panahon ng tamang paraan
(Tamang diskarte)
Sayang, sayang lang naman kung di mo ito malalaman.
Naghihintay na lamang ng tamang diskarte.
III.Dinadalangin ko na sana'y ikaw na nga
Ang makapiling ko ngayon at magpakailanman
Hindi sinasadyang mahulog ang damdamin ko sa'yo
Tuwa't saya ang dulot mo sinta
Sa tuwing tayo'y magkasama.
Submitted by Guest