Pure Instinct – Rason lyrics

Lapit (Halika sa ?king tabi)
At sasabihin ko kung bakit (Dinggin mo sana mga sinasabi ng labi) Ikaw ang iniibig (Ikaw ang iniibig mapa-araw o gabi) Halina't makinig (Makinig ka sa bulong ng puso pagka't ikaw ang tinuturo ng kamay at nguso)
Ref.1 :
?Pag ako'y nag-iisa at may luha saking mata, tatawagan lang kita araw ko na ay gaganda, para kang angelica na laging nag-aalala, yan ang rason bakit minamahal kita.
II.

Kumbaga ikaw ang amo at ako ang iyong alalay, ?di kita pababayaan kahit kapalit ay buhay handang isugal maging ang aking dangal pagkat ikaw ang mahal
III.
Bakit (pag nasa piling kita at nasa bisig kita) Kulay asul ang langit (Tuwing nakikita kita anong ligaya sinta) Ang ibon umaawit (Napapawi ang problema na aking nadarama) ?Pag tayo'y magkalapit (Lahat magagawa walang imposible, parang pana ni Cupido na sa'kin ay tumama)
Ref.2:

Kung makakasama ka di ko mawari ang saya, di ako nagsasawa tinititigan lang kita, pinakilala mong mundo, kagandahan ng anyo, yan ang rason bakit minamahal kita
IV.
Dahil sa bawat sandali dulo't mo saki'y ngiti, Pag ika'y katabi pighati ay napapawi Para kang tubig nakakatuwid ng uhaw, Mga kalungkutan ko ikaw ang nagbigay ng linaw, Ang iyong mga halik sa'kin nagpapakilig Kaya tagos sa puso, umuukit sa dibdib, Kaya hindi ko alintana mga problema, Basta't ako ay maligaya pag ika'y kasama
V.
Adik (hindi ko maiwasan hanapin ang iyong paglalambing) Na ako sa'king pag-ibig (Tatalikuran ang kaibigan para sa iyo lahat ay titiisin) Ang laging iniisip (Na habang buhay makasama, yan ang aking dalangin) Ang yakap mo't halik (Ang nagbibigay lakas sa akin kaya hanggang sa libingan ay aking babaunin)
Ref. 3:
Kulang ang isang araw kwentuhan nating mababaw, ?di man lang nababato kahit anong sabihin mo, mananatiling ganito hanggang magunaw ang mundo, yan ang rason bakit minamahal kita?
VI.
Kaya lahat ay gagawin kahit na maging alipin,
?Pagkat ang pagsilbihan ka ay kasiyahan para sakin, kahit na ako'y saktan ?wag lang magkakalayo, kaya isusubo nalang ibibigay ko pa sayo, at paggising sa umaga ikaw ay ipaghahain, ang panghimagas mo sa'kin yakap mo't paglalambing, ganyan ka kahalaga sakin dahil sa puso kong ito?..Ikaw rason ng buhay ko!

Submitted by Guest